Pandaigdigang Epekto

Higit sa siyamnapung porsyento ng mga bagong palabas na pelikula na lumalabas sa internet at sa iba’t ibang mga tindahan sa buong mundo ay nagmula sa iligal na mga kopya na ginawa sa mga sinehan.

Ang pangkokopya ng pelikula ay isang iligal na industriya sa buong mundo, at nagkakahalagang bilyong dolyar ang nawawala sa kita ng industrya ng pelikula bawat taon.

Ang mga magnanakaw ng peilikula ay karaniwang nauugnay sa mga kriminal na sindikato at ang pangunahing layunin nila ay makakopya ng mga bagong pelikula sa mga unang araw ng palabas ng mga ito sa mga sinehan.

Ang mga “recordings” ay ina-upload sa iligal na mga “website” ng “video” ilang oras pagkatapos ng “movie pemiere”, at ito ngayon ay pinagsisimulan ng mga iligal na “download” na maaaring makaapekto sa kita ng mga pelikula sa takilya at sa buong distribution nito.

Binebenta ng mga magnanakaw ng pelikula ang mga hindi awtorisadong mga “recordings” sa mga iligal na “duplicators” ng DVD na siyang nag bebenta sa mga iligal na merkado.

Tulad ng ibang negosyo, ang industriya ng pelikula ay umaasa sa kita upang ipuhunan sa mga gagawin pang mga pelikula. Ang resulta ng mga pangongopya ng pelikula ay mas kaunting pelikula napinamuhunanan, at nangahulugangna ang lokal na kalakal at industrya ay hindi umunlad.

Ang mga magnanakaw ng pelikula ay siguradong may nabibiktima, at isa ka na sa mga ito. Bago pa maka apekto sa Hollywood, ang lokal na industrya muna ang nananakawan ng kanilang kabuhayan at ng kapasidad nilang magbigay ng trabaho sa mga tao. Ang mga taong nagnanakaw ng pelikula ay para bagang nagnanakaw ng pera sa bawat sinehan, at ito ay nangangahulugan ng mas kakaunting trabaho.

Ang mga tauhan ng sinehan, tulad mo, ay nangunguna sa paglaban ng industriya ng pelikula sa mga magnanakaw ng pelikula.

adminHome